|
|
|||||
|
Home | From the Soldiers | The Struggle for Change | Withdrawal of Support | The Armed Forces | The Nation | Issues and Concerns -------------------------------------------------- From the People | Soldiers of the People | About Us | Links -------------------------------------------------- Sign up in the MALAYANG TALAKAYAN Message Board/Forum. Join the CYBER PROPAGANDA MOVEMENT |
|||||
|
s TULA NG PANININDIGAN
Kulungan man at rehas ay di makakapigil sa aming simulain hindi ang kapal ng semento o tibay ng bilangguan ang magiging sagabal sa sinumpaang tungkulin;
Ang kapanglawan ng hatinggabi ay ating hahamakin pagkat tayo ay nagsusulong sa banal na layuning palayain ang bayan sa mga mapang-alipin...
Paninindigan, isang mabisang kalasag sa larangan ng pakikibaka magdudulot sa atin ng ibayong pag-asa; laksa mang hapis ay di alintana patuloy na magsusulong sa diwang Maka-PILIPINO at mapagpalaya---
Harangan man ng sibat ang daang binabagtas pilit pa ring lalandasin kahit na ikapahamak katawang lupa man ay maigupo ng katunggaling lakas lalaganap pa rin ang kaisipang PILIPINO na ating yinakap
Ito ay lalagos sa pinakamatibay mang moog, papaimbulog sa kalawakan at doon ay magsasabog ng mga butil ng diwang ating itinaguyod sa mayamang lupain ng bayang iniirog...
JHguillermo 1989
( Ang tulang ito ay katha ni Lt Guillermo para sa mga bayani ng pag-aalsang 1989, siya ay nasa aktibong puwersa pa rin ng Uniformed service. ang tulang ito ay inialay niya sa kanyang mga nakasama sa pagkubkob sa white plains at sa mga kasapi ng 34th Company ng 4th MBLT na siyang nanindigan hanggang sa huling sandali. Ilang bomba ang pinakawalan ng T-28 sa kanilang pwersa hanggang sa lumipad ang F-5 ng US na pansamantalang gumapi sa kanilang hanay sa white plains.)
--------------------------------------------------
TADHANA NG MGA KAWAL
Kayo nga ba ay tinadhana na maging sundalo upang maglingkod sa mga pinunong pabaya? ipatupad ang kanilang baluktot na utos at pansariling kagustuhan.
Di ba malinaw sa kanila ang batas na kayo ang tagapagtanggol ng Bayan. Bakit nagawa nilang piringan ang inyong mga mata at pananaw?
Nang sa gayon ba'y di niyo matanaw ang kaaba-abang kalagayan sa lupang sinilangan. Ang malawakang kagutuman na kumakatok sa mga pinto ng bawa't tahanan.
Mga batang musmos, na nagbebenta na sariling puri upang maibsan ang kumakalam nilang sikmura. Ang mga may sakit na namamatay, na walang gamot at di nakaaninag ng mga Doktor.
Tinakpan nila ang inyong mga tainga upang di niyo marinig ang mga panaghoy at daing ng mga kapatid din natin na sumunod sa mga panulat ni Rizal.
Binusalan din nila ang inyong mga bibig upang tinig nyong katotohanan ay di marinig. Ilan taon din kayong nagtiis at umasa sa mapayapang pagbabago upang sila ay makapagbago.
Nguni't sila ay nagbingi-bingihan at itinuring na tahanan ang dilim ng kapangyarihan. kaya di nila napansin ang mga papalapit na kulog at kidlat na sa kanila ay malapit ng tumupok.
Malapit ng pumutok ang mga bulkan sa inyong dibdib na lalagot sa lumang tanikala, ng sa gayon ay madama ng sanlibutan na kayong mga sundalo at pulis ang tunay na tagapagtanggol ng inang bayan,.......ayon sa tinadhana.
--------------------------------------------------
SCOUT RANGER OFFICERS DETAINED IN TANAY, RIZAL
BGEN Danilo Lim LTC Nestor T. Flordeliza LTC Edmundo Malabanjot Maj. Jose Leomar Doctolero Maj. Jason Aquino Maj. Oriel Pangcog Capt. Isagani Criste Capt. James Sababan Capt. Jose Fontiveros Capt. Montano Almodovar Capt. Ruben Guinolbay Capt. William Upano Capt. Frederick Sales Capt. George Malones Lt. Jason Cordero Lt. Ervin Divinagracia Lt. Richiemel Caballes Lt. Homer Estolas Capt. Allan Aurino 1Lt. Sandro Sereno 2Lt Antonio Timbal |
s Sino nga ba kayo? Gen. Lim, Gen. Gudani, Gen. Miranda, Col. Quirubin, Lt. Col. Balutan, Lt. Col. Flordeliza, LtSg. Trillanes, Capt. Faeldon, Maj. Aquino, Maj. Pangcog, etc.?
Tunay kayong mga kawal pilipino sa paninindigan, sa prinsipyo... moog kayo ng katatagan at katapangan ano't kayo ngayon ay nagkakanlong sa karimlam.
Dininig niyo ang daing ng sambayanan bayang pinapahirapan ng mga linta at buwaya ng lipunan masang aping lagi na lang tinatapakan katarungan at katotohanan ay laging nilaalambugan...
Tinugon nyo ang hamon ng makabayang panahon baril nyong tangan sa tunay na kaaway itinuon sa bulok na sistemang inyong nilalayon lansagin, durugin at sa hukay ay ibaon.......
Pulitika ng oportunismo ay lagi na lang namamayani pulitika ng prinsipyo ay lagi na lang nagagapi sa demokrasyang nagbabalatkayo sa pagkukunyari may puwang at lugar kaya ang maliliit at naaapi?
Kalayaan at demokrasya ay lagi na lang ipinagsisigawan ng mga buwitre, uwak, at sakim na iilan sa naghihingalong sambayanan, sila ay laging nakabantay upang ibaon ang kuko ng kamatayan.......
Di nga ba't nandiyan at lagi na lang nakatanghod ang agilang dayo at sa bayan ay nakatanod alaga niyang manika at mga daga ay sunod lang ng sunod kahit bayan ay naghihikahos, sa hirap humihilahod.
Ang ginawa niyo ba ay kahangalan katrayduran nga ba o kabayanihan sa paghahangad nyong mabago ang lipunan ano't kayo ay binansagang sundalo ng karahasan.......
Sino nga ba ang tunay na taksil? di ba silang mga nangakong sa bayan ay maglilingkod wala ng ginawa kundi mangurakot limas dito, kulimbat doon sa kabang yaman ng bayan naghihikahos
Kayo ay sundalo ng masang pilipino hindi instrumento ng pasismo at estado... kayo ngayon ay nakahanay sa mga puwersang progresibo naghahangad, nagnanais ng tunay na pagbabago......
Tumaas ang antas ng inyong kamalayan pampulitikang kamulatan niyo ay ganap na lumawak... ngayon ay alam niyo na kung para saan ang baril niyong hawak kung sino ang paglilingkuran, kung sino ang ibabagsak!!!
Hindi na kayo ang dating sundalong sunod-sunuran lamang... sa kahit anong iaatas ng sakim na iilan kayo ngayon ay nagtatanong na, nagsusuri ng lubusan kung atas nga ba ay makatarungan at para sa bayan.
General Lim, General Gudani, Lt.Sg Trillanes, Capt. Faeldon, etc tunay kayong mga anak ng bayan alaala niyo ay mananatili sa aming isipan kahit kayo ay ituring nilang sakim sa kapangyarihan kabayanihan niyo ay nakaukit sa puso ng sambayanan
Kasakiman bang putulin ang pagmamalabis ng iilan kasakiman bang ipaglaban ang hinaing ng bayan? ayyyyyyy, hindi sila ang maghuhusga ng tunay niyong kalooban kundi ang susunod na salinlahing may mataas na kamulatan!!!
--------------------------------------------------
--------------------------------------------------
ENLISTED PERSONNEL
SSG Reynaldo A. Bala SSG Marciano R. Saraspi SSG Ronnie S. Dizon SSG Alexander G. Verzon SSG Rodelio M. Tuazon Sgt. Richard B. Javier Sgt. Pastor M. De Guzman Sgt. Orlando A. Valencia Sgt. Nelson V. Alquiza Sgt. Juanito B. Tercero Jr. Sgt. Jose T. Famularcano Jr. Sgt. Benito S. Baggay Sgt. Arthur I. Arienda Pfc. Winston M. Tingabngab Pfc. Rommel M. Puma Pfc. Robert B. Palaruan Pfc. Pinley L. Amarante Pfc. Larry A. Quinto Pfc. Kernell F. Pahimnayan Pfc. Jerry V. Avila |
s HULING PAHIMAKAS NG KAWAL NG SAMBAYANANG PILIPINO
Kung sakali mang ako ay bumagsak sakali mang katawang lupa ay mabuwal sakali mang puso'y di na tumibok hininga'y kinakapos at di na makakibo sakali mang mga mata ko'y wala nang maaninag kundi ang mapanglaw na puntod ng mga bumulagtang kasamahan, sa luha, pawis at dugo'y kakikitaan nang hindi yumukod na paninindigan...
May umawit kaya ng himig nang pamamaalam? may maghandog kaya ng tula nang kagitingan? may bumagtas kaya sa tinahak naming landas? na puno nang pasakit, pagdurusa't paghamak...
Kayong mga namulat sa ating panahon sa lakas nang paninikil 'wag magpalambong sa mga banyagang tuso'y huwag magpadambong mga katutubong HUDAS, lupigin at ibaon
Sa mga sumusunod sa aking yapak italaga ang sarili sa pagsubok na katumbas ay laksang mga hapis dulot ng mga pilat sanhi ng mga sugat nang kapaitang dinanas...
Sa mahal kong kabiyak at mga mahal ko sa buhay huwag ninyong panghinayangan ang maningning kong kinabukasan, sa pagdurusa ko ngayon, 'wag akong kahabagan pagkat kami ay may prinsipyong pinaninindigan
Kung ako ma'y bibigyan ng libo mang buhay nang POONG MAYKAPAL na aming gabay lalandasin ko pa rin ang tinahak kong daan buhay at talino'y handog para sa INANG BAYAN
Aanhin ba ang kasanayang napanday? Aanhin ba ang punyal at baril kong tangan? Di ba't upang magtanggol sa binubusabos na mamamayan At lansagin ang huwad na pangulong pahirap sa bayan, putulin ang paghahari at pagmamalabis ng iilan!!
Ayyyy, wala nang tatamis pa sa buhay na naputi, kung para sa paglaya nang dinuhaging lahi, wala nang dadakila pa sa dugong itinigis sa pagtatanggol sa bayang saklot ng dusa't hapis
Paalam na paalam, mahal na INANG BAYAN nahihilam na sa luha, mga mata kong nalulumbay ngunit sa paglisa'y may dugong babalong sa sugatan kong pusong paglaya ang nilalayon, paalam na paalam. Mahal na INANG BAYAN...
(Isang pag-aalay sa lahat ng nakikibakang kawal para sa katotohanan at katarungan, sa mga nakapiit, patulo'y nawang maging malaya ang kanilang diwa't pag-iisip- JHGUILLERMO)
--------------------------------------------------
BANGON NA
Bangon na mga kasundaluhan mula sa liping magiting ikaw ay may papel na dapat gampanan kahit na ikaw ay itinuturing na laruan at sunod-sunuran...
Taas nuo kang humarap sa madla madilim mong kasalukuyang ipagwalang bahala anak ka ng bayang dapat matuwa tungkulin mo'y gampanan ng walang paghihinawa.
Sumulong ka! kasundaluhang api ngayon ang panahon ng pagdili-dili ikaw ay bahagi ng lipunang ginagalawan dapat kang lumaban sa mga huwad na pinunong sukaban upang igalang at pagpitagan ng iyong Inang Bayan na minamahal
--------------------------------------------------
DETAINED IN TANAY, RIZAL
Pfc. Isidro R. Areja Pfc. Emmanuel M. Derilo Pfc. Dylan F. Monton Pfc. Daligdig, AR Pfc. Castromayor, Jr CP Pfc. Arleen S. Garcia Pfc. Aristotle D. Lucena Cpl.Jorcie V. Espejo Cpl. Zaldy A. Cabico Cpl. Walter A. Francisco Cpl. Romel C. Pascua Cpl. Reynaldo C. Pacete Cpl. Ramon P. Perania Jr. Cpl. Nicomedes P. Fernandez Jr. Cpl. Medel A. Calda Cpl. Giovanni B. Bonagya Cpl. Dennis F. Marzan Cpl. Adonis R. Pabillo Cpl Jayson A. Avellano |
|||
|
Home | From the Soldiers | The Struggle for Change | Withdrawal of Support | The Armed Forces | The Nation | Issues and Concerns -------------------------------------------------- From the People | Soldiers of the People | About Us | Links --------------------------------------------------
|
|||||